Cusp
Sorry. Yun lang ang laman ng sulat niya. P__I__! Bakit siya ganito? Sinbukan ko namang ibigay ang lahat. Pinili ko din namang intindihin siya ha! Pero bakit ganito? Andaya talaga niya!
Mandurugas, Balasubas, Hudas, ano pa ba ang pwede kong itawag sayo? Talagang hindinh-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo. Marahil yun din ang dahilan kung bakit “Sorry” lang ang tanging masabi mo. Alam mo namang kahit ano pa, pagkahaba-haba man ng explanasyon mo, galing man yan kay Nietzsche, Kierkegaard, sa paborito mong pilosopo na si Camus o kahit kanino pa mang pilosopo walang pupukaw sa pait na ibinigay mo. Alam mo rin namang may galit ako sa kanila o kung hindi man nagseselos lang ako. Sinabi mo na sa akin noon na itigil ko na ang pag-iisip ko nang ganito. Pinilit mo pa ngang isiksik sa utak kong kinakalawang ang mga pilosopiya nila ngunit kahit anong gawin mo tila wala nang pag-asa. Basta nag alam ko masaya ako (bago mo ako sinaktan) at hindi ko na kailangan ng mga ganyan.
Naalala ko pa noon ang saya-saya natin o baka ako lang pala. Minsan kasi hindi ko matanggal sa aking isip na ginagamit mo lang ako. Baka nga ako lang ang isa sa iyong mga kasangkapan para maiba naman ang daloy at magkaroon ng panibagong bugso ang iyong buhay. Pwede din namang armas mo ako sa pagrerebelde mo sa mundo, partikular na sa iyong magulang.
Sa lahat ng taong nakilala ko ikaw ang pinakakakaiba. Sinabi ko nga yan sayo at sagot mo nga ay “Pinupuri mo ba ako o kinukutya?” Bakit ka ba ganyan mag-isip? Pareho nga yata, kasi naman ganon ka din sa akin. Pinapasiya mo ako habang sinaksaktan.
Gusto ko nang tapusin ito. Ang pagsariwa sa nakaraan ay parang paglalagay ng asin sa sugat na kailan may hindi na maghihilom. Sa huli ito lang rin ang masasabi ko, salamat!. Salamat sa papatikim mo sa akin sa lahat ng lasa ng buhay, lalong-lalo na sa pagpapanamnam mo sa akin ng pait nito.
Dahil dito hinding-hindi na ako tulad ng dati. Hindi na ako magkukubli sa saya dahil mulat na ako na ang mundo ay malupit. At higit sa lahat mas malakas at matatag na ako.
Ilang taon na rin pala. Ngayon sa wakas ay nabisita din kita. Sana ay masaya ka na kung nasaan ka man ngayon...ay hindi mo pala yun magugustuhan. Sana na lang tama ka sa naging desisyon mo.

*for MM who inspired me to write this and to those who can appreciate
**what do u think about the story...got any questions...just post it ok!
new_light_aurora
9/23/04
new_light_aurora
9/23/04
0 Comments:
Post a Comment
<< Home